Nais magtatag ng Ukraine ng Embahada sa Pilipinas matapos makita ng top diplomat ng unang nasabing bansa na ang Pilipinas ay isang important player sa rehiyon ng Asya.
Nakipagpulong si Ukraine foreign minister Dmytro Kuleba kay Department of Foreign Affairs secretary Enrique Manalo upang pag-usapan ang naturang plano.
Ayon kay Kuleba, bagama’t nakadepende pa sa dalawang bansa ang pagtatatag ng embahada, ay handa namang sumulong ang dalawang panig.
Nakatuon naman si Kuleba sa pakikipag-ugnayan nito sa Pilipinas hinggil sa kalakalan, people to people exchanges, digitalization ng ekonomiya at pharmacy.—mula sa panulat ni Hannah Oledan