Karagdagang $304M na military aid ang ibinigay ng United Kingdom sa Ukraine.
Ayon kay British Prime Minister Rishi Sunak, kinabibilangan ito ng mga bala upang matiyak na hindi maubusan ang Ukraine.
Nabatid na isinagawa ang anunsiyo sa naganap na Joint Expeditionary Force (JEF) Summit sa Latvia.
Ang JEF Summit ay dinaluhan ng mga bansang Denmark, Estonia, Finland, Iceland, Latvia, Lithuania, The Netherlands, Norway, Sweden at the United Kingdom.