Nanawagan si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa ibat-ibang mga bansa na tulungan silang matugunan ang problema sa kanilang energy sector.
Ito’y dahil sa patuloy na pambo-bomba ng Russia sa Ukraine kung saan, libu-libong katao na ang nasawi at naapektuhan.
Ayon kay Zelenskyy, nangangailangan sila ng 800 million Euros emergency aid para sa sektor ng enerhiya na makakatulong sa kanilang bansa.
Nabatid na ginawa ni Zelensky ang kahilingan sa international conference sa Paris na may layuning makalikom ng materyales at pera upang ayusin ang mga nasirang imprastraktura at high-voltage power lines, mga generators at gas turbine sa Ukraine.
Sa kabila nito, hinimok ni Zelensky ang G7 nations na magbigay ng two billion cubic meters ng karagdagang gas pati na rin ang mga tanke at missiles upang malagpasan ang taglamig sa kanilang lugar at patuloy na maprotektahan ang Ukraine laban sa pananakop ng Russia.