Nanawagan sa buong mundo si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na muling patawan ng panibagong sanction ang Russia.
Kasunod ito ng naging babala ng Russia hinggil sa catastrophe o matinding trahedya na maganap sa pinakamalaking nuclear plant sa Europa kung saan nangyayari ngayon ang shelling o pagsalakay ng mga Russian forces.
Nabatid na posibleng magkaroon ng malaking sakuna kung hindi titigil ang bakbakan malapit sa Zaporizhzhia nuclear plant sa Southern Ukraine.
Ayon kay Zelenskyy, dapat magkaroon ang ibang mga bansa ng tapang para tugunan ang ginagawa ng Kremlin.
Naniniwala si Ukraine president na mananaig parin ang pagkakaisa ng mga bansa para tugunan at maprotektahan ang naturang nuclear plant upang hindi mabigo ang buong mundo.