Tuluyan nang pinutol ni Ukranian President Volodymyr Zelenskyy ang diplomatic relations ng kanilang bansa sa Russia matapos pahintulutan ni Russian President Vladimir Putin ang pagsalakay ng kanilang hukbo sa pamamagitan ng mga sasakyang pang-lupa, pang-dagat at pang-himpapawid.
Binasag ni Ukranian President Zelenskyy diplomatikong relasyon ng Kyiv sa Moscow bilang sagot sa pananakop ng Russia.
Ito ang unang beses na naputol ang ugnayan ng dalawang bansa mula nang maging independent countries ang Russia at Ukraine kasunod ng pagbagsak ng Soviet Union noong 1991.
Nabatid na nagsimula ang mga pag-atake matapos sabihin ni Putin sa isang pahayag sa telebisyon na kaniyang inaprubahan ang “special operation ng mga militar”.
Tiniyak ni Zelenskyy na sapat ang resources ng Ukraine para dipensahan ang kanilang bansa mula sa malawakang pag-atake ng Russia.
Bukod pa dito, nangako rin si Zelenskyy sa mga ukrainian at iba pang dayuhan na nasa kanilang bansa na aalisin nito ang mga sanction sa kahit na sino na handang sumabak sa territorial defense. —sa panulat ni Angelica Doctolero