Namemeligrong matulad sa Korea o mahati sa dalawa ang Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na pag-atake ng Russia.
Ito’y ayon kay Ukrainian Defence Intelligence Chief Kyrylo Budanov, ay dahil sa kabiguan ni Russian President Vladimir Putin na sakupin ang kabisera na Kyiv at pabagsakin ang gobyerno.
Maaari anyang tangkain ni Putin na magtayo ng mga military boundary sa mga okupadong bahagi ng Ukraine, tulad ng demilitarized zone sa Korean Peninsula.
Nasa giyera pa rin ang North at South Korea simula pa noong 1953 makaraang mauwi sa armistisyo ang korean war sa halip na peace treaty, kaya’t kapwa nagtayo ang dalawang bansa ng demilitarized zones.