Personal na binisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Kherson ilang araw matapos itong mabawi sa kamay ng Russia.
Ayon kay Zelensky, isang malaking kahihiyan sa Russia ang pagkabawi nila sa kabisera.
Aniya, simula lamang ito at tuluyan nang makakalaya ang mga rehiyon sa Ukraine mula sa pananakop ng nasabing bansa.
Matatandaan na sinakop ng Russia ang Kherson noong Marso at isa ito sa inangkin na bahagi ng kanilang bansa.