Nasungkit ni Ukrainian high jumper Yaros-Lava Mahu-Chikh ang gold medal sa World Indoor Championship sa Belgrade, Serbia.
Dito, naging emosyunal ang manlalaro sa nakuhang medalya para sa kanilang bansa makalipas ang mahigit 20 taon.
Malaking hamon din kay Mahu-Chickh ang paglahok sa torneo dahil hirap siyang makatakas sa kanilang bansa kung saan kasalukuyang nagaganap ang paglusob ng russia.
Samantala, binati ito ng mga nanood ng torneo lalo na nang ilabas niya ang watawat ng Ukraine.