Hinirang ng Time magazine si Ukranian President Volodymyr Zelensky gayundin ang spirit of Ukraine” bilang 2022 ‘person of the Year.
Ayon sa Time, naging inspirasyon ng mga Ukranian si Zelensky at nakilala sa buong mundo dahil sa tapang na ipinamalas nito sa harap ng pananakop ng Russia.
Sinabi pa ng naturang magazine na ang ”Spirit of Ukraine” ay sumasalamin naman sa mga Ukrainian sa iba’t ibang panig ng mundo na tahimik na nakikipaglaban para sa kanilang bansa.
Ang nasabing award ay ipinagkakaloob sa mga kaganapan o indibidwal na may pinakamalaking impluwensya sa mga nangyayari sa buong mundo sa nakalipas na labindalawang buwan.
Samantala, pinangalanan naman bilang 2022 Heroes of the Year ang mga kababaihan sa Iran.