Pinasalamatan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky si US President Joe Biden sa ibinigay nitong tulong sa Ukraine upang labanan ang pananakop ng Russia.
Ibinahagi ni Zelensky na hindi lamang pandepensa ang ibinigay na suporta ng Estados Unidos kundi maging sa ekonomiya ng Ukraine.
Maliban dito, tumulong din aniya ang US upang maibalik ang energy system ng naturang bansa.
Matatandaang lubhang naapektuhan ang power grid ng Ukraine simula noong Oktubre dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng Russia.