Asahan pa rin ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa sa kabila ng paghina ng epekto ng Low Pressure Area na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone.
Namataan ng pagasa ang LPA sa layong 125 kilometers Hilaga ng Coron, Palawan.
Magkararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Inaasahan namang magiging mainit sa nalalabing bahagi ng Mindanao. ——sa panulat ni Drew Nacino