Ibinuhos ng bagyong Lando sa loob ng isang araw ang ulang katumbas ng pangkalahating buwan.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nakaranas ng pinakamalakas na pag-ulan ang Iba , Zambales.
“So yung amount ng Iba is 154.8 milimeters in 24 hours, at ang average na ulan sa isang buwan ay 298.5 milimeters, sa Dagupan naman halos 50 percent din, yung isang araw na ulan na 114. 5 milimeters ay more or less 50 percent ng isang buwan na ulan for Dagupan which is 294.2 milimeters.” Ayon sa NDRRMC.
Samantala, patuloy namang pinag-iingat ng NDRRMC ang mga residente sa northern Luzon laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ito ay dahil sa patuloy na uulanin lalo na ang nasa western section ng hilagang Luzon.
“Dahan-dahan pa rin yung pag-move nitong si Lando kaya i-expect po na may ulan pa din dito sa western sections of Northern Luzon hanggang paglabas ng bagyo natin sa Tuesday afternoon or evening, so wala po tayong storm surge na nakikita sa ngayon na matataas.” Pahayag ng NDRRMC.
By Ralph Obina