Nakatulong ang mga ulang dala ng bagyong Lando para tumaas ang water level sa mga dam sa bansa.
Ayon kay Danny Flores, Hydrologist ng PAGASA, nadagdagan ng 8 metro ang tubig sa Angat Dam at inaasahang aakyat pa ang antas nito sa mga susunod na araw.
Ang Ipo Dam aniya ay tumaas ng 99. 68 meters ang water level, 79.45 meters ang La Mesa Dam.
Sinabi pa sa DWIZ ni Flores na tumaas din ang tubig sa Ambuklao Dam, Binga Dam at iba pang dam sa bansa sa kabila nang pagbubukas ng ilang gates ng mga ito.
“Ambuklao, although bukas yan ng 8 gates 6 meters ang opening doon sa walo, ang lebel niya sa kasalukuyan as of 6 AM is 751.52, ang ating Binga Dam na bukas ng 6 gates 8 meters ang opening nasa level na 573.81, yung ating San Roque, nasa level na 283.12 bukas ng 4 gates 2 meters ang opening, ang ating Pantabangan malayo pa sa spilling level, nasa 201.84, yung ating Magat 193.95 bukas ang 3 gates ang ating Caliraya nasa 287.57.” Pahayag ni Flores.
By Judith Larino | Karambola