Hindi sapat ang dalang ulan ng low pressure area extension para mapunan ang tagtuyot sa malaking bahagi ng Pilipinas.
Ito ayon sa PAGASA ay dahil sa ilang bahagi lamang ng Mindanao ramdam ang ulang dala ng LPA.
Sinabi ni PAGASA Hydrologist Richard Orendain na kailangan ng isa hanggang dalawang bagyo para mapunan ang kakulangan ng tubig sa mga dam na pinagkukunan ng inuming tubig at irrigation supply.
Isa sa nakikitang paraan ni Orendain ay pagbawas ng alokasyon sa mga patubig at paglalaan ng higit na maraming water volume para sa mga residenteng nangangailangan lalo na kapag pumasok ang peak ng El Niño phenomenon.