Umapela sa gobyerno ang Union of Local Authorities of the Philippines na maglaan ng dagdag na COVID-19 vaccines sa mga lalawigan para mabakunahan na ang mga nasa ilalim ng A4 category.
Ayon kay ULAP president at Quirino Governor Dakila Cua mayruong policy issue kayat hindi pa nasisimulan ang pagbabakuna sa mga sakop ng a4 category kayat nananawagan silang madagdagan ang alokasyon ng bakuna sa mga lalawigan.
Binigyang diin ni Cua na kailangang paigtingin ang vaccination roll out sa mga lalawigan lalo nat sumisirit na ang kaso ng COVID-19 dito.
Magugunitang nuong isang buwan ay sinisi ni Iloilo City Mayor Geronimo Treñas ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa Western Visayas sa pagbuhos ng bakuna sa NCR plus.