Itinanggi ng kampo ni dating pangulong Noynoy Aquino na naghahanap ito ng kidney donor.
Ayon kay dating presidential spokesperson Abigail Valte, exaggerated ang mga lumalabas na ulat tungkol sa lagay ng kalusugan ng dating pangulo.
Pinabulaanan rin ni Valte na naoperahan kamakailan ang dating pangulo dahil sa acute kidney failure.
Nasa maayos anyang kalagayan si Aquino at naging maganda ang Pasko nito at pagsalubong ng Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.