Lalong napagtibay ang impormasyon hinggil sa presensya at pagpasok ng mga terorista sa Mindanao.
Ito’y matapos mapaulat na na-intercept sa Indonesia ang umano’y recruiter ng ISIS upang magpadala ng reinforcement sa Marawi City.
Sa isinagawang Mindanao Hour sa Malakanyang, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Resituto Padilla na malaking tulong aniya ang nasabing ulat para sa documentation sa mga nasa watchlist ng gobyerno.
Tumibay din aniya ang pagsisikap ng mga kapit-bansa ng Pilipinas sa rehiyon ng timog silangang Asya para tuluyang mapigilan at malabanan ang pagkalat ng terorismo.
The narrative regarding the entry and the existence of foreign fighters inside Marawi is reinforced by this recent news so it will hopefully help on the documentation of the people we had in the watchlist.
May mga binabantayan tayong mga tao kasama na diyan karamihan mga Indonesian, at kung mali-link natin ‘to doon sa mga ginagawang recruitment nung recruiter na ‘yan, mabubuo natin ‘yung kabuuan ng kwento kung paano sila nakarating at kung papaano nila nasu-sustain ‘yung kanilang presensya.