Bineberipika pa ng Department of Foreign Affairs o DFA ang napaulat na 2 Pinoy umano ang bihag ngayon ng mga separatist rebel sa Nigeria.
Ayon sa ulat, na-hijack ng mga rebelde ang greek owned MT Leon Dias na sinasakyan ng mga tripulanteng Pinoy mula Russia, Georgia at Pilipinas.
Dito binihag ang 2 Pinoy na kinabibilangan ng isang Filipino captain at third engineer.
Maliban sa dalawa, bihag din ang tatlo pang dayuhang crew member.
By Meann Tanbio