Bineberipika na ng PNP o Philippine National Police ang impormasyong may paparating na anim na arkiladong barko sakay ang mga hinakot na mga raliyista mula Visayas at Mindanao para sa malawakang kilos protesta sa Metro Manila, bukas.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, inaasahan na nila ito dahil hirap ang mga kritiko ng administrasyon na kumuha ng mga tagasuporta sa Luzon kaya’t mga katutubo sa Visayas at Mindanao ang inuto ng mga para maging raliyista.
Hindi rin anya iniaalis ni Bato ang posibilidad na may mga armadong miyembro ng New People’s Army o NPA ang lumahok sa mga protesta.
Tiniyak naman ni Dela Rosa na mahigpit nilang babantayan ang kaliwa’t kanang pagtitipon para hindi maulit ang madugong protesta noon sa Kidapawan kung saan nagkapatukan ang mga raliyista at pulis matapos mahaluan ng NPA ang mga demonstrador.
(Ulat ni Jonathan Andal)