Pinag-aaralan na ng World Health Organization (WHO) ang lumabas na ulat kung saan iginiit ng mahigit 200 mga scientist ang katangian ng novel coronavirus na kumalat at makahawa sa pamamagitan ng hangin.
Ayon kay WHO Spokesman Taric Jasarevic, nakarating na sa kanila ang nabanggit na ulat at kasalukuiyan nang nire-review ito ng kanilang mga technical experts.
Una nang sinabi ng WHO na kanilang ikinukunsidera ang posibilidad na pag-transmit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng aerosol.
Gayunman, wala pa anila itong matibay na dahilan para palitan ng WHO ang kanilang guidelines hinggil sa pangunahing paraan ng pagkalat ng COVID-19 mula sa droplets.
Batay sa inilathalang open letter ng mahigit 200 mga scientist mula sa 32 bansa sa WHO, kanilang binalangkas ang mga ebidensiyang nagpapatunay na nakahahawa ang mga virus na lumulutang sa hangin oras na malanghap ito.