Sinagot ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang akusasyon ng isang netizen na napilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na paikliin ang kanyang biyahe dahil sa pambabalewala sa kanya sa Japan.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez, hindi totoo ang naturang mga alegasyon laban sa pangulo.
Una nang sinabi ng isang Ding Velasco na napauwi nang hindi oras si Duterte matapos na ibahin ang upuan nito sa enthronement dahil sa last minute na nang mag confirm ito ng kanyang pagdalo.
Matatandaang napaaga ang pag uwi ng Pangulo sa bansa dahil sa nararamdaman nitong matinding pananakit ng kanyang likod matapos na sumemplang sa motosiklo.
Kinatawan naman ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang pangulo sa isinagawang banquet.