Kinumpirma ng National Movement for Free Election (NAMFREL) na mayroon silang mga napansing kaduda-duda sa isinasagawang bilangan sa eleksyon.
Reaksyon ito ni Maricor Akol sa lumabas na balita hinggil sa posibleng dagdag-bawas sa bilangan lalo na sa resulta ng pagka-bise presidente ng bansa.
Ayon kay Akol, may mga natanggap silang resulta ng mula sa ilang presinto subalit pagdating sa transparency server ay nawawala na.
Gayunman, sinabi ni Akol na pawang obserbasyon pa lamang ang mga ito na kanilang sinisimulang himayin.
Bahagi ng pahayag ni Maricor Akol ng NAMFREL
Ayon kay Akol, napansin rin nila na bagamat mas maayos ang eleksyon ngayong 2016 kumpara noong 2013, tila mas naging talamak naman ang bilihan ng boto o vote buying.
Bahagi ng pahayag ni Maricor Akol ng NAMFREL
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas