Itinanggi ni Philippine Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad ang lumabas na ulat hinggil sa maagang pagreretiro umano ni Marine Corps chief Major General Alvin Parreño.
Gayundin ang sinasabing pakakaroon nilang dalawa ng samaan ng loob na dahilan umano ng pasiya ni Parreño para maagang magretiro.
Ayon kay Empedrad, ililipat lamang si Parreño sa tanggapan ng flag officer in command kung saan mananatili ang opisyal hanggang sa magretiro ito sa Marso ng susunod na taon.
Aniya, wala silang problema sa isa’t isa ni Parreño at normal lamang sa trabaho ang magkaroon ng pagkakaiba.
Dagdag ni Empedrad, tanging ang usapin lamang ng pagnanais ni parreño na maihiwalay ang marines sa navy ang napagtalunan nilang dalawa pero naresolba na rin aniya ito.
Magugunitang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. General Noel Clement na nagpahiwatig aniya si Parreño ng intensyon ng maagang pag-reretiro dahil sa personal na dahilan.