Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko hinggil sa report ng kaso ng ebola virus sa bansa.
Una nang napaulat na isang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Africa ang na-confine sa isang pagamutan na nakitaan ng sintomas ng ebola at kalauna’y nasawi rin.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, ang nasabing biktima ay nag-negatibo sa ebola subalit mayroon itong malaria at chikungunya na dahilan ng pagkamatay nito.
Namatay aniya ang biktima dahil nasa late stage na ang sakit na malaria nito.
By Judith Larino