Itinanggi ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang ulat na isang American personnel na nagbibigay ng technical support sa mga Pilipinong sundalo ang tinamaan ng sniper sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Brig./Gen. Restituto Padilla, wala pang nakakarating sa kanya na report ukol sa nasabing insidente.
Pagtitiyak pa ni Padilla na bagamat may mga pagkakatong umaabot ang mga bala sa bahagi ng Camp Ranao ay nasa ligtas na lugar naman aniya ang mga nasabing US personnel.
Hindi rin aniya madaling mata-target ng kalaban ang nasabing pwesto.
By Krista De Dios