Kinontra ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang report ng Ibon Foundation na kaunting trabaho ang nalikha simula nang pumasok ang Duterte administration.
Batay sa report ng Ibon Foundation, tumaas lamang ng isandaan animnapu’t dalawang libo (162,000) ang nilikhang trabaho simula 2017 hanggang 2018.
Mula sa 41 million noong 2016 ay umakyat lamang sa 41.2 million ang bilang ng nilikhang trabaho o katumbas ng walumpu’t isang libong (81,000) trabaho lamang ang nililikha noong kada taon.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mababang job creation sa bansa matapos ang Marcos administration.
Gayunman, iginiit ni bello na tumaas ng 2.9 percent ang employment rate sa bansa na inaasahang madaragdagan sa mga susunod na taon dahil sa “Build, Build, Build” program.
(Ulat ni Aya Yupangco)