Minaliit ng Malakanyang ang pahayag ng isang London -Based Research Consultancy firm na posibleng manlamig o ma-turn off ang mga investor dahil sa umano’y bulgar na istilo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, taliwas sa nangyayari ang batikos ng Capital Economics kung pag-uusapan ang matatag na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Malinaw anya na sa nagdaang dalawang taon ay tinanghal na second fastest growing economy in Asia ang Pilipinas sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Nanguna rin ang Pilipinas sa larangan ng manufacturing habang nakapag-tala din ang bansa ng mataas na bilang ng mga pumasok na foreign investment.
Binigyang diin ni Roque na lumalabas na walang batayan ang ulat gayung maganda ang itinatakbo ng ekonomiya ng bansa.