Itinanggi ng Malakanyang ang kumalat na ulat kaugnay ng nakatakdang pulong umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapitan at kusinero ng F/B Gem Vir 1, ang bangkang lumubog matapos banggain ng Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala siyang narinig na kahilingan o imbitasyon hinggil dito.
Hindi aniya dapat pinaniniwalaan ang mga katulad na balita kung wala aniyang sapat na patunay.
Nilinaw din ni Agriculture Secretary Manny Piñol na walang magaganap na pulong sa Malakanyang at sa halip ay siya lamang ang nagpatawag sa cook na si Richard Blasa at kapitan na si Jonel Insigne para pag-usapan ang insidente.
Samantala, una nang umatras si Insigne sa pulong at nagpasiya na lamang bumalik sa San Jose, Occidental Mindoro dahil sa nararamdaman pa ring trauma sa nangyari sa kanila sa Recto Bank.