Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang matibay na ebidensya na magpapatunay sa natagpuang bagong strain ng coronavirus sa Pilipinas na sinasabing mas madaling makahawa.
Ayon kay Health undersecretary Rosario Vergeire, ang isinagawang pag-aaral ng Philippine Genome Center (PGC) ay nakatutok lamang sa Quezon City at hindi ito maituturing na sample bilang pangkalahatan o sa buong bansa.
Giit ni Vergeire wala pang katibayan na magsasabing mas infectious o mabagsik ang naturang bagong strain ng coronavirus.
Gayunman, binigyan na umano ng DOH ang PGC ng go-signal para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral kaugnay dito at pangangalap ng karagdagan pang impormasyon.
Batay sa isinagawang pag-aaral ng PGC, ang bagong strain ng coronavirus na G-614 ay nag-mutate na umano sa D-614.