Pinabulaanan ni Senator Grace Poe ang balitang iaanunsyo niya ang kandidatura sa kaarawan ng kanyang yumaong amang si Fernando Poe Jr. sa Agosto 28.
Ayon kay Poe, hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakabuo ng pasya kung sasabak sa 2016 elections sa kabila ng kanyang pangunguna sa mga survey.
Aniya, kakausapin pa siyang spiritual advisers bago tuluyang magpasya.
By Rianne Briones