Pinabulaanan ng AFP ang ulat na may naarestong miyembro ng Maute at pamilya nito sa NAIA Terminal 3 kagabi.
Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na hindi si Omar Maute ang naaresto.
Mayroon aniyang inimbitahan for verification na nagngangalang Abdullah Naser Bandrang at pinakawalan din ito ng mga otoridad.
Muling iginiit ni Padilla na walang dapat ipangamba ang mga taga-Metro Manila dahil walang nakapasok na terror group mula sa Mindanao
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping