Itinanggi ng Vatican ang mga kumakalat na ulat na may benign brain tumor si Pope Francis.
Ayon kay Vatican Spokesman Father Federico Lombardi, iresponsable ang pagpapakalat ng ganoong uri ng impormasyon at hindi aniya ito mahalaga para pag-aksayahan ng oras ng Vatican.
Sinabi ni Lombardi na maayos ang lagay ng kalusugan ng Santo Papa bagamat nakakaranas ito ng pananakit ng binti.
Batay sa isang pahayagan sa Italya, sinasabing isinakay ng helicopter ang 78 anyos na Santo Papa sa bayan Tuscan para masuri ng isang Japanese Doctor matapos madiagnosed na mayroon itong maliit na dark spot sa kanyang utak.
By: Ralph Obina