Itinanggi ni Police Regional Office Director, Brig. Gen. Cezar Pasiwen ang mga ulat na may mga hindi kilalang lalaki na lulan ng puting van ang nagtatangkang mandukot ng mga bata.
Ayon kay Pasiwen, inabisuhan na ng pulisya ang publiko na maging alerto at mapagmatyag sa tunay na sitwasyon upang mabatid nila kung ano ang totoong impormasyon sa fake news.
Pinaalalahanan din ng pulisya ang sinumang magpapakalat ng mga unverified report, lalo sa social media na may kaakibat itong mga konsekwensya.
Hinimok naman ni Pasiwen ang publiko na i-sumbong sa pinaka-malapit na police station o sa pamamagitan ng official social media account ng PNP kung may naberipikang mga impormasyon ng kidnapping at iba pang krimen.