Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na nagmula sa bansa ang ginamit na armas ng mga suspek sa pag-atake sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang linggo.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Wilben Mayor, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang counterpart sa Indonesia upang berepikahin ang ulat.
Sa ngayon, sinabi ni Mayor na wala pa silang kopya ng naturang report kaya’t hindi pa masiguro ang katotohanan sa likod nito.
Lumalabas ulat na nakuhanan ng mga baril na may markang mula sa Pilipinas ang 12 naarestong suspek sa Jakarta bombing.
By Ralph Obina | Jonathan Andal