Kinukumpirma pa ng DOH o Department of Health ang report na mayroong Pilipinang biktima ng zika virus sa Honduras.
Ayon sa DOH, wala namang dapat ikabahala ang na-infect ng virus basta’t hindi ito buntis.
Kasabay nito, ipinabatid ng DOH na wala silang ilalabas na travel advisory sa mga bansang apektado ng zika virus.
Gayunman, patuloy ang apela ng DOH sa mga Pilipino na yung mga buntis na iwasang magtungo sa mga bansang maraming kaso ng zika.
By Judith Larino