Muling itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga ulat na nakatakda ng bitayin sa Indonesia ang Pinay drug convict na si Mary Jane Veloso matapos ang Ramadan.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman at Assistant Secretary Charles Jose, haka-haka lamang ng ibang grupo ang naturang impormasyon at walang basehan.
Hindi pa aniya nakatatanggap ng abiso ang Philippine Embassy sa Jakarta mula sa Indonesian government kaugnay sa petsa ng pagbitay kay Veloso.
Dagdag ni Jose, magpupulong muna ang mga kinatawan ng Department of Justice ng Pilipinas at Ministry of law and Human Rights ng Indonesia sa mga susunod na linggo.
By Drew Nacino