Itinanggi ng militar na namataan sa Sulu ang 3 banyaga at 1 Pilipina na dinukot sa Samal Island sa Davao del Norte.
Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Allan Arrojado, wala siyang nakuhang report mula sa ground commnders at intelligence units na nakita sa sulu ang mga naturang bihag.
Sinabi ni Arrojado na nagsagawa na ng aerial patrol ang apat na huey helicopters ng Philippine Air Force samantalang patungo na ang Navy vessel sa lugar kung saan napaulat na nakita ang mga bihag o sa Luuk Omar area.
Tuluy-tuloy aniya ang validation nila sa nasabing report habang pinaigting din ang pagtugis sa mga suspek.
Una nang lumutang na namataan sa Sulu ang apat na bihag partikular sa Patikul kung saan hawak umano ni Abu Sayyaf leader Hatib Sawadjaan ang mga bihag.
By Judith Larino | Jonathan Andal