Pinabeberepika na ng pamahalaan ang ulat na nasa bansa na umano ang mga teroristang mula sa Turkey.
Ayon kay Presidential Spokeperson Ernesto Abella, inaalam na ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang katotohana sa naturang balita kung saan sinasabing nasa limampung (50) miyembro ng teroristang Fetullah Gulen ang nasa Pilipinas.
Sinabi pa ni Abella na mahigpit din ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa iba pang mga bansa para malabanan ang terorismo.
Una rito, isiniwalat ni Turkish Ambassador Esra Cancour na aktibo sa bansa ang Fetulla Gulen movement kung saan ay nagbukas pa ito ng mga eskwelahan sa Zamboanga at Maynila.
- Ralph Obina