Bineberipika na ng mga awtoridad sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang mga ulat na dinala sa Sulu ang 10 tripulanteng Indonesian na dinukot ng Abu Sayyaf.
Ayon kay ARMM Governor Mujiv Hataman, posibleng hindi pa nakalalayo ang mga bandido maging ang mga bihag lalo’t sa Languyan Island, Tawi-Tawi narekober ang tugboat ng mga dayuhang tripulante.
Nakikipag-ugnayan anya sila sa pulisya at militar sa rehiyon upang matunton ang kinaroroonan ng mga bihag.
Inihayag ni Hataman na sa ngayon ay prayoridad nila ang kaligtasan ng mga biktima.
By Drew Nacino