Hindi kasama sa mga nasawi sa air strike sa western Iraq, si Abu Bakr Al – Baghdadi, ang lider ng grupong ISIS.
Ayon sa pahayag ng grupong ISIS, mapanlinlang ang report na nagsasabing na-target ang kanilang lider, at walang katotohanan ang balitang nadamay ito sa pag-atake.
Una nang iniulat ng Iraqi Military na tinamaan ng air strike nito ang convoy ni Al Baghdadi, at kabilang ang lider sa mga nasaktan o nasawi sa pag-atake.
Sa report, patungo sana sa isang pagpupulong ang grupo ni Al – Baghdadi, nang targetin ito ng airstrike ng Iraqi Military.
By Katrina Valle