Mariing itinanggi ng Malacañang ang lumabas na ulat nasaid na umano ang pambansang budget dahil ginamit sa kampanya sa katatapos lamang na eleksyon.
Tahasang sinabi ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma na walang katotohanan ang bintang ni Vice President Jejomar Binay na 16 percent na lamang ang natira sa mahigit P3.002-trilyon na budget para sa taong ito.
Malinaw aniyang walang alam at hindi naiintindihan ng mga nag-aakusa kung paano ginagamit ang pambansang budget.
Binigyang-diin ni Coloma na sinusunod ng administrasyon ang prinsipyo ng maayos na fiscal management sa paghawak at paggamit sa kaban ng bayan.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)