Pumalag ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa lumabas na ulat online hinggil sa P107.57-M na ginastos ng ahensya para sa rehabilitasyon ng mga estero at iba pang waterways sa Maynila at San Juan noong isang taon.
Ayon sa kay PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia, misleading ang naturang balita at layuning palabasin sa pubiko na ginagamit ng mali ang pondo ng gobyerno na hindi umano gagawin kailanman ng komisyon.
Ani Goitia, mula noong Disyembre ng 2018, nasa P29.63-M pa lamang ang nagagastos ng komisyon para sa rehabilitasyon ng San Juan River at limang (5) estero sa Maynila na ngayon ay nagpapatuloy pa.
Iginiit ni Goitia, mahigpit ang PRRC sa pagbabantay ng proyekto at ang anumang pagkakabinbin nito ay hindi na kontrolado ng komisyon.
Isa sa nagiging dahilan ng pagkabalam ng proyekto ayon sa PRRC ay ang resettlement o paglilipat sa mga pamilyang naninirahan sa palibot ng mga estero.
As early as 2016, PRRC already resettled informal settler families and dismantled illegal structures occupying the legal easements of Estero de Magdalena to pave way for the construction of a linear park development project. As soon as we finished the relocation and easement recovery, the Linear Park Project was put up for bidding and awarded according to procurement laws. However, during the last quarter of 2017, the barangay officials in the area allowed families who were left homeless by a fire incident in Manila to occupy the already recovered easements of Estero de Magdalena,” ani Goitia.
Nakikipag-ugnayan na ngayon ang PRRC sa National Housing Authority (NHA) para mabigyan ng relocation houses ang mga pamilyang ayaw umalis sa Estero De Magdalena hangga’t walang tiyak na malilipatan.
May ilang opisyal din ng barangay ang tinatakot pa ang mga field engineer ng PRRC at pinahihinto ang kanilang rehabilitasyon sa Estero dela Reina at Estero de Pandacan.
We have no intention of slowing down as there is so much work to be done to keep the Pasig River System clean and alive. More importantly, I will never let government funds to be wasted on incomplete projects,” dagdag pa ni Goitia.
Matatandaan na noong nakaraang taon kinilala ang PRRC ng International RiverPrize Foundation sa kanilang Inaugural Asia RiverPrize dahil sa malawakan na pagtugon ng problema na kinahaharap ng Ilog Pasig.
Ito’y sa kabila ng limitadong pondo alinsunod na rin sa mandato ng PRRC na ibalik ang kinang at dating sigla ng Pasig River para sa mga isda, ibon, mga puno at iba pang Aquatic plants – mula sa dating itinuring nang patay na ilog.