Tiniyak ng Malacañang na kanilang paiimbestigahan ang ulat na may mga pang-aabuso sa implementasyon ng Batas Militar sa Mindanao.
Kasunod ito ng pagkondena ng IBP o Integrated Bar of the Philippines Lanao del Sur sa anila’y iligal na paghalughog sa mga bahay sa Marawi City at iba pang lugar sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinauubaya na sa Department of Justice at Armed Forces of the Philippines ang pagsagot sa mga nasabing alegasyon.
Iginiit pa ni Abella na tama lamang na matigil ang mga pang-aabuso kung mapatunayang may katotohanan ang mga ito.
By Krista de Dios | with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Ulat na pag-abuso ng militar pinaiimbestigahan ng Palasyo was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882