Nilinaw ni Professor Michael Xiao Chua, isang historian na matagal ng nakaplano na sa Santa Barbara, Iloilo ganapin ang 117th Independence Day celebration ng bansa na pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ginawa ni Chua ang paglilinaw sa kabila ng mga lumutang na balitang umiiwas sa rally si PNoy sa Maynila kaya sa Iloilo niya nais ganapin ang selebrasyon ng Araw ng Kasarinlan.
Ayon kay Chua, matagal ng plinano ni Pangulong Aquino at ng komite nito na iikot ang Independence Day celebration sa iba’t ibang makasaysayang lugar sa bansa.
Aniya, hindi lang naman sa Manila nangyari ang rebolusyon.
“Alam niyo may mga angas-angasan kasi na nagsasabi na si Presidente daw kaya daw dito pinili kasi daw walang mag-rarally dito, hindi po totoo yun kasi years ago na-plano na po yan ni presidente at ng kanyang komite na ang Independence Day natin iikot sa iba’t ibang makasaysayang lugar sa Pilipinas, na hindi lang sa Maynila nangyari yung rebolusyon.” Ani Chua.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita