Hiniling ng pinuno ng Athletes Committee ng WADA sa pamunuan ng World Anti-Doping Agency, ang mas malalim na imbestigasyon sa paggamit ng droga ng mga atleta sa Russia.
Sa open letter ni dating cross – country skier na si Beckie Scott, kay WADA President Craig Reedie, sinabi nito na mahalaga ang mas malalim na imbestigasyon dahil posibleng hindi lang limitado sa track and field ang naging paglabag ng Russia.
Sinabi ni Scott na makakabuting suriin din ng WADA ang ibang sports at maging ang mga atleta ng ibang bansa upang matiyak na wala sa mga atleta ang gumagamit ng droga.
By Katrina Valle