Inaalam na ng DFA o Department of Foreign Affairs ang mga impormasyon hinggil sa umano’y pagpapakamatay ng isang hinihinalang teroristang Pilipino sa Riyadh, Saudi Arabia.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago na hindi naman first hand information ang nakuha nila at hindi official message mula sa kanilang counterpart sa naturang bansa.
Una nang lumutang ang balitang isang Jovito Quino, Jr. ang nagpatiwakal sa kanyang selda noong nakalipas na buwan.
Kaugnay nito, nagpadala na ng diplomatic note ang Pilipinas sa Riyadh Ministry of Foreign Affairs para malaman ang tunay na pangyayari hinggil sa nasabing Pinoy inmate.
Si Quino ay isa lamang sa migrant workers na inaresto noong October 2015 dahil umano sa kaugnayan nito kay Yasser Mohammad Barasi na hinihinalang serial bomber mula sa Syria.
By Judith Larino