Huling laban na daw ni WBC/WBA/WBO Welterweight Champion Floyd Mayweather Jr. sa Setyembre 12 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Dalawang pangalan ang lumutang na posibleng makalaban ng undefeated American boxer — sina Andre Berto at Karim Mayfield.
Hindi rin umano interesado si Mayweather sa 50-0 record at kuntento na sa 49-0 (bagama’t 48-0 pa lamang siya ngayon).
Marami naman ang hindi naniniwalang magreretiro na si Mayweather at huling laban na sa Setyembre.
Mas nais nilang paniwalaan na tatargetin nito ang 50 sa Mayo 2016.
Noong Mayo 2, naitala ang ika-48 na panalo ni Mayweather via unanimous decision laban kay Filipino ring icon Manny Pacquiao.
By Mariboy Ysibido