Inaalam na ng militar kung totoo ang ulat na patay na ang isa sa mga lider ng Maute terror group na si Omar Maute.
Ito’y ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año ay batay sa nakuha nilang impormasyon na nuon pang Mayo 28 napatay si Omar sa Marawi, limang araw mula nang sumiklab ang bakbakan.
Duda si Año sa nasabing impormasyon dahil malaki pa aniya ang posibilidad na buhay pa rin ito.
Magugunitang naglaan si Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-limang Milyong Pisong bounty para kina Omar at sa kapatid nitong si Abdullah habang dagdag na Sampung Milyon naman ang ipinataw para kay ISIS Emir at Abu Sayaf Leader Isnilon Hapilon.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal