Posible umanong tangkaing i-sabotahe ng China ang eleksyon sa Pilipinas sa 2016.
Sa kanyang pagharap sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Robert Lim na nakatanggap sila ng intelligence reports hinggil sa di umano’y plano ng China na guluhin ang eleksyon.
Sinabi ni Lim na ito ang dahilan kaya’t inilagay nila bilang non-negotiable na kundisyon sa Smartmatic-TIM na ilipat sa Taiwan mula sa China ang pabrika na gagawa ng kanilang PCOS o Precint Count Optical Scan machines.
Ayon kay Lim, malaki ang pangamba nilang magkaroon ng epekto sa darating na eleksyon ang arbitration case sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Nilinaw ni Lim na hindi naman beripikado ang intelligence report na kanilang natanggap.
Gayunman, ginamit na rin nila ito sa kanilang negosasyon sa Smartmatic-TIM na siyang gagawa ng PCOS machines upang makasiguro.
By Len Aguirre