Pinalagan ng Malakanyang ang ulat ng Global Peace Index na pangalawa ang Pilipinas sa pinakamagulong bansa sa Asia Pacific Region.
Ayon kay Executive Spokesman Ernesto Abella, tila may bahid pulitika ang naturang report dahil taliwas aniya ito sa pananaw ng mga Pilipino.
Aniya, mayorya ng mga Pilipino ang masaya at kuntento sa adiministrasyong Duterte.
Kung saan lumabas aniya sa isang pag-aaral na 62% ng mga Pilipino ang kuntento sa pagsugpo ng pamahalaan sa krimen at 64% naman ang pabor sa war on drugs ng pamahalaan.
Dagdag ni Abella, mayorya din ng mga Pilipino ang ligtas ang pakiramdam kahit inaabot ng gabi sa lansangan.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping